"Saan ka ngayong Semana Samana?" tanong sa akin ng isang katropa.
"Huy punta kaming Bora, sama ka," udyok ng isa.
Sa bawat imbitasyon na aking natanggap, isang mapait na ngiti ang tangi kong panukli. Ito ay dahil nakatakda na ang mga obligasyon ko ngayong mahal na araw at hindi kasama doon ang pagsakay ng bus na magdadala sa akin palayo ng siyudad.
Alam ko na marami ang nadi-disappoint sa aking non-committal answer sa tuwing may ganitong usapan. Naroon ang plano ng mga engkanto na magpalipas ng gabi sa Virgo Island kung saan pakakainin daw kami ni Pilyo ng inihaw na bayawak at adobong paniki. Si Favorite Aunt naman ay nag-text noong isang linggo para mag-aya sa isang retreat na gagawin dito sa Manila. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napapasabi ang pag-decline ko sa kanyang imbitasyon.
Kasi naman, unang araw pa lang ng Abril ay alam ko nang the odds are stacked against me. Sa trabaho, pahirapan na ang pag-absent sa opisina. Sabi nga sa management handbook, leaders should set an example at dahil mahigpit na pinagbilin ng boss na bawal mag-leave ng Holy Week, bilang bisor ay hindi ako nakaporma.
Mabilis kong pinarating sa mga ahente ang salita ng nasa itaas.
Matapos bugbugin ang katulong last month ay nagpaalam ang driver na magbabakasyon muna sa probinsya. Dahil hindi naman nagkaroon ng Christmas break ang tibo ay pinayagan na rin ito ni mama. Wala tuloy kaming driver ng isang linggo. Sa kanyang pagbabakasyon ay mababawasan rin kami ng isang kasambahay. This puts us in a disadvantaged position in case we need an extra hand.
Finally, may bali-balita na magbabakasyon din sa in-laws si utol kasama ang kanyang pamilya. Nami-miss na daw kasi doon si Baby Lenin at gusto itong makita ng kanyang lola. Pinayagan na rin umalis ni mama ang mag-asawa dahil wala rin itong nagagawang grades sa tuwing nag-aalaga ng bata. Pagkakataon rin ito para mag-ayos ng bahay upang sa kanilang pagbalik ay higit na mas ligtas at malinis ang aming paligid.
Thus, their absence leave us with fewer house members this weekend.
I don't know what the silence brings but this has always been happening every year. Kaya naman never akong nakadapo sa Galera o kaya ay nagtampisaw sa dagat kung kailan lahat ay pauwing probinsya. The closest I had to a vacation is when the Favorite Aunt invited me to a spiritual retreat in Tagaytay. Umuwi rin kami ng Holy Thursday kaya masasabing hindi iyon counted na out-of-town trip.
I've never been a fan of great migrations and for sure hindi ako mag-eenjoy maglakbay kung traffic naman sa daan. So might as well stay behind and only pack my things when everyone's already back from their vacation. But given a choice, gusto kong maligaw sa isang lugar na malamig, maraming puno at hindi dinarayo. I look forward to a time of self reflection, and perhaps, a renewal of faith.
Subalit dahil nakakasa na ang mga dapat gawin ngayong linggo, pikit-mata akong magsasaboy ng buhangin sa aking work station at sa aking panaginip, imumulat ko ang aking mga mata sa isang malayong dalampasigan kasama si Baabaa. Doon ay maglalakad kami kung saan naroon ang mga alon at magkatabing magpapalipas ng dapithapon hanggang sa ang araw ay maglaho sa pusod ng karagatan.