"Umulan ka naman o..."
Pakiusap ko iyon sa langit nang minsang naglalakad ako papasok sa trabaho. Katumbas rin ng isang stick ng Marlboro ang layo ng office mula sa babaan ng jeep. At sa tuwing inaatake ako ng pagkakuripot ay nilalakad ko ang distansyang iyon kahit mataas ang tirik ng araw.
Humaharap ako sa team na minsan ay kakaligo lang sa pawis, pero ayos naman, lahat kami ay naglalakad papasok. Minsan naman ay dumarating akong namumula ang balat pero patuloy pa rin akong nagha-hiking maging alas-dos man ng hapon ang shift namin sa work.
At gaya ng marami ay nagrereklamo rin ako. Tao lang naman ako para hindi makaramdam ng pagka-inis. Pero sa kabila noon ay naroon pa rin ang pag-asa - na kahit magbitak-bitak man ang lupa ay darating rin ang ulan. Konting tiis lang at manghahalik rin ang ambon..
"Mag-iintay ako..." Pangiti kong bulong sa mga ulap nang minsang masilayan ko ito isang dapithapon.
Sa aking tanda ay bihira lang akong biguin ng kalikasan. Iyon ay dahil natuto rin akong hindi umasa - at sa halip ay tanggapin lang ang dikta ng panahon. Kung umalan man sa oras na inaasahang sisikat ang araw ay mag-payong at kung umaraw naman sa panahong gusto kong mangulimlim ang langit ay magtago sa silong.
Dumaan pa ang mga araw at lalong tumindi ang init ng paligid. Pati makapal kong balat ay sumusuko dala kakaibang epekto ng Global Warming. Sa kabila noon ay hindi pa rin ako sumuko. Ilang araw na lang at Mayo na. Marahil sa oras na hindi inaasahan o sa panahong ako ay natutulog ay papatak din ang ulan.
Isang hatinggabi bago tumuntong ang unang araw ng Mayo:
"Umuulan. Pinasok ko ang mga damit kasi baka mabasa." Sabi ng aming kasambahay.
"Kaso sandali lang eh." Dali dali akong lumabas para pagmasdan ang mga ulap.
At doon nga sa driveway ng aming bahay ay tumambad sa akin ang namamagang langit.at mamasa-masang lupa. Hindi man nagpatuloy ang buhos ng ulan, ngunit buong lugod ko pa rin tinanggap ang malamig na hangin na bumubulong sa aking:
"Heto na ang hiling mo."
-
wala nang tatamis pa
sa simoy ng malamig
na hangin
sa madaling araw
matapos ang isang
panandalian at
pasundot na bugso ng ulan.
summer is over
rainy days are here.
sa simoy ng malamig
na hangin
sa madaling araw
matapos ang isang
panandalian at
pasundot na bugso ng ulan.
summer is over
rainy days are here.
Cold Front
Full Metal Dreams
May 11, 2006