Relief




YUMMY HOT KUYA, BAYANI NG CDO








Tinatayang hindi bababa sa isang libo katao ang namatay, karamihan mga bata, matapos ang magdamagang buhos ng ulan na nagdulot ng pagbaha sa Cagayan De Oro at Iligan City, Sabado ng madaling araw.

Bilyon bilyong pisong halaga ng ari-arian at pananim ang kasamang naanod nang umapaw ang Cagayan at Tubod rivers. Tinatayang aabutin pa ng susunod na taon bago makabangon sa delubyo ang mga residente ng nasabing bayan.

Sa kabila ng mapait na trahedya, nagawa pa rin ng pahayagang The Philippine Daily Inquirer mangiliti ng imahinasyon nang maglabas ito ng litrato ng isang makinis, artistahin at pagkasarap-sarap na binata sa kanilang front page kahapon.

Ang nasabing binata, na lumabas sa December 18 issue ng diyaryo ay nakuhaang nakahubad at karga-karga ang isang batang babae habang sila ay patawid sa rumaragasang baha.

Ayon kay Luningning Saqnioco, isang Gay Sociology expert, inaasahang magiging viral hit ang litrato ni kuya.

"Day, sa dami ba naman ng mga baklang sabik sa laman ngayong kapaskuhan, hindi malayong siya na ang bagong pantasya ng bayan."

Sinang-ayunan ito ng isang tabloid reporter na napabalitang suki ng mga sinehan sa Cubao at Avenida.

"Siney yung julakis? Bet ba niya lumabas sa bagong pelikula ni Manay Josie? (isang indie film producer) Kukunin ko shaa." Sabay walk-out para sundan at sutsutan ang isang matipunong security guard papasok sa loob ng pampublikong palikuran.

Iba-iba rin ang nakalap naming reaksyon sa kilalang social networking site na Twitter:

"Ay, para siyang tasty bread na lumulutang sa kape." Ayon kay @bekingeseako.

"Ayos! May bago na naman akong inspirasyon bago matulog!" Sabi naman ni @goldenboy75

"Para siyang isang basang sisiw na nangangailangan ng kalinga't aruga." Kumento naman ni @miss_cougar na kaagad ring ni-retweet (kinopya) ng isa pang twitter user na nagngangalang @missterioussgirl.

Pinilit naming kuhanin ang panig ng Inquirer, kasama na rin ang pangalan, tirahan at shoe size ni kuya. Ang mga detalyeng aming makakalap ang siya sanang magbibigay daan sa mabubuting loob na handang mag-abot ng tulong pinansyal, cellphone at pati na rin kabuhayan showcase sa binata.

Hanggang sa mga oras na ito ay wala pa ring reply sa aming text ang news editor ng nasabing pahayagan.