Jollieboie






To remind ourselves that some bonds stay for life.


Quote:
Endymionn wrote on 03-27-2002 10:58 PM:




Pex Is Back!


Hula ko katatapos mo lang basahin ang pm sa iyo ni Giosport at ni Greggytorned, o baka naman ito ang inuna mo.


Sana meron ka nang text kapag nabasa mo ito. Ewan ko kung nasaan ako, umaakyat kaya sa PICC, nasa bahay nakatunganga o kung nasaang lupalop naghahanap ng sarili.


Halos 2 weeks rin palang nawala ang pex... bilang ko kasi, three weeks na rin tayong magka-tropa eh.


Hah tanda ko pa noon, huling araw ng pex sabi ko babarkadahin ko si Econmajor para maging ka-tropa natin, ilang araw mula ngayon, kung nandito lang siya sa Manila makukuha ko na rin PM niya.


Wala lang, nakakamiss lang ang lahat.


Imagine kasama kita halos isang buong linggo - kuwentuhan, pinag-uusapan yung mga cb (callboys) at mga prospects (ka-trip) nila, asaran, lahat halos ng puwedeng pag-usapan nadaplisan na natin eh. hehe


Nakakamiss mag-mall na kasama ka. Tingin ko tuloy, ayaw ko munang umapak ng Meg (Megamall) tsaka Shangri-la dahil maalala lang kita. Sa tuwing maririnig ko yung Ortigas Center ikaw kaagad ang papasok sa isip ko, "Buong linggo naming inikot ni Jollieboie yun ah!"


source


Nakakapagod, magastos, at kung minsan nakakasayang oras man pero sa lahat ng lakad natin, enjoy ako na kasama ka. Tingin ko kasi ikaw lang ang makakaintindi sa akin eh - - ikaw lang ang nakakakilala kung sino talaga ako.


Sulit ring sabihin ang lahat, malaki ang tiwala ko sa iyo eh. Lagi mo sana tandaan iyon. Badtrip, wala ka nang credit, nasanay na rin ako na halos nag-te-text tayo araw araw eh. Gigising ako sa umaga, ti-tingnan ang cell, umaasa nandun yung text mo. Hay buhay nga naman.


Shensa na kung senti ako pare ... tingin ko kasi... Nasa sistema na kita eh - - Parte ka na ng buhay ko sa loob ng tatlong linggo nating pagiging magkaibigan.


Siguro sa isang banda, takot rin akong mawala ka... pero alam ko, patungo rin tayo doon. Kahit ilang beses ko man ipanalangin na sana huwag mangyari iyon.


Closeness is fleeting, distance is inevitable as they say. Sooner or later, all of this would be just in our minds. Hanging there, maybe never to happen again.


Despite all my hopes that we would be buddies for life... I guess that is impossible. Three weeks, anong panama nun sa mga nakasama mo na ng ilang buwan, lalo na ilang taon. Hindi rin naman ganun kalalim ang pinagsamahan natin. Bago pa lang naman tayo nagkakakilala eh.


Pero bihira lang makahanap ng katulad mo tol eh. Siguro nga hindi pa kita ganun kakilala kaya ganito ang tingin ko sa iyo. Pero andami mo nang hinawa sakin e.


Tama na siguro itong senting ito, nasenti ko na rin naman lahat sa iyo haha. Basta, just in case tol, just in case we woke up one day hanging out with someone else's company. Always remember this:


Nag-enjoy ako sa lahat ng gimik natin, pinangiti mo ako sa mga text na ipinadala mo...


Parekoy,






You're the first and only one, who came closest to my heart.


Ingats ka lagi, hanggang sa susunod na pagkikita.




Lumawak na naman ang mundo mo dahil sa akin.

Welcome, Parekoy.