McDonald's Twister Fries





May isang bata na ang pangalan ay Kulasa. Siya ay marikit, makulit at sobrang adik sa McDonald's Twister Fries. Tuwing umaga kapag papasok siya sa Mababang Paaralan ng Santa Ines ay dadaan muna siya sa tahanan ni Ronald McDonald. Tuwing recess naman ay magpapasama siya sa kanyang teacher na si Ditas (na nililibre niya ng Cheeseburger Meal) para bumili ng Twister Fries sa McDonald's. 


Comfort Food!! Nomnomnom


Paborito niya ang Twister Fries dahil malutong at spicy ito. Ubod ng dami rin ng patatas ang ma-eenjoy sa bawat fries. Minsan ay sinasawsaw niya ang fries sa ketchup pero madalas ang gravy ang lagi niyang kasama. Ayaw niya ng Fried Chicken dahil allergic siya sa manok. Ayaw rin niya ng rice dahil siya ay parating nagdi-diet. Tuwing uwian habang iniintay sunduin ng kanyang yaya ay gumagawa siya ng homework sa McDo. Kasama si Bentong walang brip na laging bugbog sarado sa sanggano ng Santa Ines, doon sila nagdadate habang kumakain ng McDonald's Twister Fries.

Masaya na sana ang kuwento nila, subalit dumating ang araw na ubos na ang lahat ng Twister Fries. Limited offer lang kasi ito. Kaya itong si Kulasa na adik sa French Fries ay nagpalit ng food trip.

"My mami says its unhealthy!" Hirit nito sa kanyang mga kaklase habang katext si Bentong sa kabilang classroom.

Abangan na lang natin kung ano ang kanyang next kaadikan.



I should be doing Bentusi's work order.

But I found it too difficult to resist what Nuffnang has sent to my email.

Twister Fries is back.

Like everyone who has an intense love affair with potatoes, the fries is also my guilty pleasure. Love it when I dip it in gravy. Enjoy McDonald's Twister Fries while supplies last. As for me, might as well follow Kulasa's lead and invite the Kambing of my life for a dinner date at Mcdo.







Picture stolen borrowed without permission here