Third Eye




Black Saturday.

Bumisita ako sa office ni dad para may gawing trabaho. Walang mga layout artists at encoders akong naabutan. Lahat sila ay nagsipagbakasyon. Ang tanging naroon ay ang security guard na naka-post sa labas ng kuwarto. Abala ito sa pakikinig ng radyo. Mundo niya ay sarado.

Palabas na ako nang may biglang sumalubong sa akin. Balingkinitan ang katawan ng nilalang. Sa tingin ko  siya ay isang matandang lalaki. Hindi ko man naaninag ang kanyang mukha, pero tandang-tanda ko ang kanyang kasuotan. Barong Tagalog na pang-itaas, itim na slacks na pang-ibaba. Walang dudang nakadamit pamburol ang matanda at sa isang iglap, bigla itong nawala.

Huli na para ako ay maka-react. Walang tili sabay takbo palabas ng kuwarto. Walang nahimatay kunwari at nasapian ng demonyo. Sa halip ay mahinahon akong lumapit sa guard para magtanong: patay malisyang nagkuwento ng ghost story sabay kambyo kung mayroon multo sa kuwarto.

"Nako sir, minsan may nagta-type diyan sa mga keyboard pero wala namang tao." Kuwento sa akin ng guard.

"Minsan naman sir may naglalakad pero pag malapit na sa pintuan biglang nawawala." Tama nga ang aking hinala.



Clairvoyance. Ito ang kakayahang makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mata. Walang kasiguraduhan ang taglay kong ability na makakita, ngunit sa maraming pagkakataon ay hindi ako binigo ng aking ikatlong mata.

Sila ay nasa paligid natin. Ang marami ay pinagkaitan ng kapayapaan, ang iba ay tambay lang. Madalas ay namamalagi sila sa mga lumang bahay o gusali at mga lugar na pinangyarihan ng trahedya. Hindi gaya ng iba, ang akin ay nakikita lang sa gilid ng mga mata. Minsan ay sa pagitan nito. Never tumagal ng isang segundo ang apparition at isang beses lang ako nakakita ng mukha - noong burol ng kapatid ng lola ko. Naisipan nitong sumilip sa loob ng bahay.



Nagsimula ang lahat noong ako ay nasa high school. Nag-camping ang third at second year sa isang resort sa Laguna. Ang camp site ay nasa paanan mismo ng bundok Makiling.

Ang aming pagdating ay tila nakabulahaw sa mga nilalang doon. Ang paligid ay puno ng mga bata. Maiingay, walang pakundangan sa mga tanim sa lugar at higit sa lahat, nagkalat bigla ang mga basura. Unang gabi pa lang ay nabalot na ng kababalaghan ang camp site. Kuwento ng mga saksi, mayroong itim na aninong nakatayo sa tabi ng puno. May mga hugis tao ring nakaputing damit na naglilibot kung saan walang liwanag.

Noong una ay ayaw kong maniwala. Subalit noong ikalawang gabi at naisipan naming kumain sa dilim, nangyari ang hindi inaasahan.

"Tol kain tayo," bati ng aming ka-grupo sa lalaking papalapit. Natatandaan ko lang na puti ang suot nitong damit ngunit dahil nasa malayo at madilim, hindi namin aninag ang kanyang mukha.

Tahimik itong lumakad papunta sa amin, pero sa isang iglap, naglaho itong parang bula.

Speechless ang lahat ng nakakita.

Hindi doon nagtapos ang kababalaghan. Huling gabi ng camping. Naiwan ang mga boys dahil kulang ang bus na nagsundo sa amin. Kinailangan kong bumaba para tumawag at ipasabi na ako ay gagabihin. Hindi ako naghanap ng kasama. Malakas rin naman ang loob ko kaya ayus lang.

Ngunit nang paakyat na ako sa campsite, sa isang maliit na puno malapit sa pool ay naroon ang sinasabi nilang anino. Hugis tao ito pero mas maitim pa sa kanyang paligid. Wala itong mukha o anumang damit. Sadyang nakatayo lang ito sa tabi at tila pinagmamasdan ang aking pagdaan.

Kalmado akong naglalakad habang nakatingin sa nilalang. Kasabay ko paakyat ang ka-eskwela na tumawag rin sa kanyang magulang. Ilang metro man ang layo niya sa akin, pero dahil nandoon lang siya sa harapan, hindi ako kinilabutan kahit ilang dipa lang ang layo ko sa lamanlupa.

Hindi ko na ikinuwento ang karanasan ko pagbalik sa campsite. Ilang oras rin at dumating na ang bus na magsusundo sa amin. Hindi na naulit ang mga camping sa labas ng campus pero simula noon ay hindi na muling nagbalik ang pagiging walang-muwang sa akin.



I've seen dogs barking ferociously at a concrete wall as if someone was standing there. I've been in rooms smelling like a pre-war musk perfume or a candle was suddenly put out. I've seen, for a split second an entity wearing a katsa cloth standing beside a colleague in her cubicle. The apparitions and hauntings were so regular, I don't know what's real from the imagined anymore.

Even the gym is said to be haunted. 

And who wouldn't forget my horror story at the Philippine General Hospital.  The dead were practically lining up at a children's clinic believing their illnesses may be cured like as if they were still alive.

In the long run, you will get used to it.  You will appreciate that there are things in this world that are beyond explanation. I just hope the next time my third eye opens, I wouldn't see a bloodied, mutilated and decomposing restless spirit standing in front of me.