Wait until Lenin gets his hands on these |
Hindi matatapos ang isang linggo na hindi ako nakakadalaw sa Toy Kingdom. At katulad ng nakasulat sa huling entry, sinamahan nga ako ni Baabaa sa paghahanap ng laruan para sa aking pamangkin.
Habang nakapila ako sa cashier ay biglang nawala ang binata. Akala ko noong una ay lumabas ito para makapag-register at maka-avail ng free Wi-Fi sa loob ng mall. Naisip ko rin na baka bumalik ito sa electronics section kung saan naka-display ang console na PS3 na kanyang napupusuan.
Nagkamali ako ng akala.
Nang bumalik ang aking kabiyak ay may dala-dala itong laruan. Walang imik nitong binayaran ang kanyang hawak gamit ang credit card.
"Heto o, para kay baby Lenin." sabay abot ng plastic bag sa akin. "Tamang tama para may teether siya."
Sa totoo ay hindi ko alam ang magiging reaction. Gusto kong kiligin pero hindi naman bagay sa akin. Gusto ko siyang i dine-in sa restaurant pero hindi ko dala ang aking credit card. At gusto ko siyang yakapin pero sobrang PDA naman. The simple thought meant a universe to me. Planado man o hindi, Baabaa hit a soft spot that will forever endear him to me.
Habang palabas ng Toy Kingdom isa lang ang naglalaro sa isip ko. I'd let everyone know where the other toy came from.
In the future, Baby Lenin will call someone "Uncle Baabaa."