Madalas siyang tawaging Jog-Jog ng mga kaklase ko noong high school. Ang akala ng mga taga-ibang section ay mula iyon sa dalawa niyang pangalan na Joshua Gregorio. It makes sense daw kasi. Subalit sa oras na malaman ng mga nagtatanong ang tunay na dahilan, ang mga ito'y magtatakip ng bibig upang pigilin ang pagtawa. Ang iba naman ay walang prenong mang-aasar makasakit lang ng damdamin ng iba.
"Jog-Jog, ang laki ng dyoga mo!"
Ang binata naman na nakikipagkuwentuhan sa labas ng classroom ay walang imik na magtutuloy sa pagkukuwento na parang walang narinig na insulto.
Hindi naman katabaan si Joshua. Pero sadyang itinakda ng kanyang genes na ma-concentrate ang baby fats sa paligid ng kanyang dibdib. Nakadagdag sa pang-aasar na mas malaki ang kanyang utong kumpara sa iba. Para sa isang nagbibinatang lalaki na nakikibagay sa mga tao, ito ang pinakamalaking sagabal para respetuhin at tanggapin siya ng mga nasa paligid.
"Jog-Jog mag bra ka nga, mas malaki pa yang dibdib mo sa akin eh!" Sabay tawanan ang mga nakakarinig.
Sa buong panahon na kasama namin si Joshua ay iniwasan niya ang magtanggal ng damit sa harap ng iba - lalo na tuwing oras ng Physical Education. Nang natapat na Swimming ang aming PE ay kamalas-malasang na exposed ang kanyang nakalaylay na utong at ito ay naging tampulan ng kanyang mga kasama.
Naroon na may mandadakma, manglalapirot na pagkasakit-sakit at minsan ay akmang mandidila na para bang sumususo sa dibdib ng dalaga. Minsan ay makikita ko siyang badtrip na para bang ginahasa sa shower room. Pero sa oras na makabawi ay nakangiti itong maglalakad mag-isa palabas ng campus na para bang balewala sa kanya ang nangyari.
Nagsawa rin ang mga tao sa kakatawag sa kanya ng pangalang Jog-Jog. Lalo na nang mapabilang ito sa isang barkada na tunay na nakisama sa kanya. At ang baby fats ay tuluyang napalitan ng laman dala ng lingguhang CAT noong kami ay nasa Senior.
Wala na akong narinig kay Joshua simula nang tumuntong kami sa Kolehiyo. Balita sa aming batch na nag-aral ito sa isang unibersidad sa Sampaloc kung saan nakatapos ito at tuluyang kumawala sa radar ng aming mga kasama. Ang mga tumatawag sa kanya ng Jog-Jog ay nagsipag-alisan na rin ng bansa. Maliban sa ilan na naniniwalang iyon ang kanyang tunay na palayaw, ang pangalang Joshua ay nakalimutan na.
suckmahboobies pareh |
Minsan ay iniisip ko pa rin kung ano ang nangyari kay Joshua matapos ang kanyang pinagdaanan sa high school. Nagkaroon kaya siya ng bagong palayaw noong kolehiyo dahil sa kanyang nakalaylay na utong at bilugang dibdib? Natanggap kaya ng binata ang kanyang sarili at natutunang pagtawanan ang lahat? Ang kanyang alala, pati ng aming mga kaklase ay muling nabuksan nang minsang nagawi ako sa TNL at nakita ang litrato sa itaas.
Kung nasaan man si Jog-Jog ngayon ay nakalimutan na niya sana ang lahat. Kung siya man ay nangibang-bansa, nag-asawa at nagkaroon ng anak ay hindi sana maranasan nito ang pinagdaanan ng kanyang ama. Kung siya man ay tumandang matabang binata, naging bading at nagbabayad maka-iskor lang ng lalaki, makahanap sana siya ng paraan na tunay na makakapagpalaya sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang tunay na nararamdaman ng matabang lalaki sa litrato sa likod ng kanyang nakaka-asar na ngiti, pero kung ako ang iyong tatanungin, ang hirap siguro para sa isang tao ang tanggapin ng buo ang katotohanan na ang kaisa-isang dahilan kung bakit mas madalas na layuan ka ng iba ay dahil hindi akma ang iyong bilugang kaanyuan sa nais i-project at pinapangarap ng lahat.