Yagbols





"Bading po ako."

Ito ang mga salitang nasabi ko habang sumusuray na naglalakad sa ibabaw ng madilim na overpass sa Cubao.

Ang makulit na babaeng bugaw na pilit akong nilalapit sa kanyang mukhang katulong na prosti ay napasigaw na lang ng "Ay!!!" sabay bitaw sa aking brasong nagmamadaling umuwi.

Sadya nga namang iba ang nadadalang tigas ng tatlong macho mug ng San Mig Lights. Hindi na ako tumingin patalikod para pagmasdan ang bugaw at ang prosting kagat-labing pagkagulat.