Maraming nakikita habang naglalakad sa kahabaan ng Shaw Boulevard:
Mga kaduda-dudang nilalang na nakatambay sa tabi ng ATM Machine | Mga madidilim na mansyon na taimtim na nagmamatyag sa tabi ng nangungulilang daan | Mga binatang may ka-text at tila may katagpo sa labas ng 7-Eleven | Mga kainan ng goto, tapsilog at sisig na bukas magdamag | Mga GRO na naghahangad kumita, nag-iintay ng parokyano sa labas ng beerhouse | Mga paslit na naglalakad sa tabi ng tulay pasado hatinggabi | Mga bantay ng pasiyente na nagyoyosi sa labas ng ospital, nagmumuni kung kailan mailalabas ang minamahal | Mga kuliglig na humuhuni sa tabi ng isang condominium na kilala sa taglay nitong Lumivent aesthetics.
Pero higit sa lahat, nakita ko ang aking sarili kasama ang isang matagal na kaibigan, pinagmamasdan ang mundong madalas ay pinapasintabi namin na lang.