Nega kung nega ang self-assessment ko sa unang raket ni Bentusi. Dahil isa siyang mabusising editor, tadtad ng red marks ang word document na sinubmit ko sa kanya. Ang masagwa pa sa mga articles ay obvious na minadali ko ang pagsusulat nito. Not really the professional I presented myself to be. Mabuti na lang at maganda daw ang aking mga ideas. On time rin ang submission kahit todo cramming ang ginawa ko. Ang resulta: Bumagsak ang aking immune system, kumita nga ako ng isang libo pero kulang pa itong pambili ng mga antibiotic.
Pero enjoy ko talaga ang raket. Alam ko na somewhere, may isang batang makakabasa ng mga articles ko. Malay natin, magiging mad scientist pala ang isa sa mga tsikiting sa kanyang pagtanda. Who knows, ang dalubhasang makakapag-prove ng dark matter at theory of everything ay nastimulate pala ng mga experiments na kinuha ko sa internet.
Kunsensya ko si Spongebob |
So what's in it for me: Mahahasa ang writing ko para sa mga darating pa na assignment. Never akong kumuha ng Writing for Children sa Diliman pero dito, puwersado talaga ang magsulat ng simple sentences. The thought of doing something good even if the compensation is in question may somehow cloud my judgment, but in the end:
Sabi ng aking kunsensya, sapat ng kapalit yun.