Dear Pilyo,
Dahil alam ko rin naman na abala ka sa iyong language studies, nawa'y makatulong sana ang entry na ito para sa enrichment ng iyong vaclabulary.
"... but once in a while i get caught
unaware by the thought
that you cared once and
then memories resurface once again ..."
- forever and a day
pag nakarami ka na ng beerangga at sesenglot-senglot ka na at naka-shombay kayo sa isang parking lot sa baguio at OA na utong mo sa pagka-baktong at yung bibig mo e umuusok kahit wichelles ka namang nagsusubarachi at si sunshine cruz e nagbabanta nang sumilip any monument, kahit aneklavu pa i-isplukatsina nung ka-chikka mong boylet e super deadma ka na.
kasi bet mo nang umeklipany-mae. tapos yung naririnig mo na lang e puro ka-eklatan.
take it away, ida. TIME SPACE WARP, NGAYON DIN!!!
college. kunu-kunuhang shala na hotel na wa namang heater yung shower. 3 days-2 nyts na field trip. ambaduy nung field trip. kahit baguio pa itu.
sabi ni dennis sakin, "ang ganda ng mga stars, no? eklat - eklat - eklat ... special tong gabi na to ... eklat - eklat - eklat ... parang pakiramdam ko lahat masasabi ko sayo ... eklat - eklat - eklat ... i dunno why im telling you all these ... eklat - eklat - eklat ... i like you ... (walang eklat tong part na itech) ... you know what, i like you ... eklat - eklat - eklat ... potah, anlamig. diyan ka lang, naiihi ako ..."
tapos chinikka pa niya kay atashi yung buong medical history nung pamilya niya. pati yung jinsan niyang jortista tsaka basketball player e paki ko naman, davah?? pati yung dis-abantejes ng pagkakaroon ng matangos na ilong (gaya nung tumatama yung ilong pag umiinom sa baso), pangto-two time ng dati niyang gufra-mae, pati yung pagiging alcoholic ng pamilya niya na may i wonder ng O si atashi kung bakit niya ko pinapahirapan ng ganitembang.
at sa isang biglaang moment of saylenz e hinalikan niya yung lola mo. liptolelang galore. lipchukan to da max. siyempre polite-politan si atashi kaya naki-kiss na rin akiz ahihihihi at dahil may gulat factor ang kissing scene, may ka-join itung pangingilo ng iping nagkatamaan. ARAY!
aksyon spiks louder than words, mga bektas. sa aksyon na to, nabingi talaga ko. nag-disappearing act yung mga ka-eklatan, en por da pers taym in history e na-heardsung ko siya at yung gusto niyang sabihin.
AT PARANG UMINIT BIGLA SA BAGUIO, SAN KA PA???? (sabay kindat ang bakla hehehe)
pero may dramang pasabik yung lola mo. sabi ko, wag ngayon. wag dito. igalang mo pagka-babae ko. kasi na-sight ni atashi yung plashlight ni edGARDo angara. e bukas na yung polo ko at nashonggal ko na belt niya. lecheng mga sekyu to, may pagpapatrol pang nalalaman.
"akyat na tayo ..." sabi ni dennis. feeling ko na-offend siya na akechi yung unang lumayo sa eksenang lovapalooza.
"eh gusto kita ..." sabi ko. bumabawi si bakla.
"i know ..." sagot ni dennis. confident itech! nagfi-feeling na ampotah!!!
"anong you know?"
"hindi ko na nga namalayang wala na pala akong belt eh."
hehehehe skill yan. may lahing ninja yata tong badidang na to. wag ka mag-alala, papa-seminar ako.
tapos itinulog na lang namin yon. kinutuban akeiwang may second serving ng ka-eklatan eh. kamustahin naman natin ang puson, godivah?
nung sumunod na gabi, patulog na lahat. tumambay ako sa parking. sa mismong sulok kung san kami nag-lapchukan ni dennis. loner-loneran kunwari. hoping and wishing ang bakla na havs ng repeat performanz.
"may problema ka, bakla?" phone in question ni donita, ang bessie kong babaeng nyoklita, na kala mo siningaw ng lupa at may i apir itu bigla.
"umakyat ka na ..." sabi ko. "past your bed time na."
"as if naman tatangkad pa ko." kasi pinaglihi sa hobbit si donita. di ko lang ka-sure kung mabuhok rin yung paa niya. pero may duda ako hahahaha ..
"umakyat ka na sabi e!"
"uy! may poot ang delivery," side comment ni donita. "may booking ka, no?"
"wala," sagot ko.
"umamin ka, bakla. kilala kita. hindi ka bababa ng baguio nang wala kang ginagawa."
kureksyon, donita. nagawa. past tenz itu
"kala mo naman sakin, pokpok ..." depensa ni atashi.
"hindi. tamang makati lang ... mag caladryl ka nga." at nagsimula siyang magtuturo ng kung sinu-sino, "siguro yun yung booking mo ... ANG KATI MO TALAGA!!!"
"AY! sumpa ka, impakta!"
tama namang dumaan non sina dennis pati yung tropa niyang adik sa ragnarok na kung bet mong jumoin sa clan-clanan nila e kelangan may dsl ka sa balur mez, nagra-ragna ka tsaka kelangang pagtuunan ng karampatang pag galang ang lahat ng klase ng beerlalei at alkohol sa 7-11.
literal na dinaanan lang akiz non ni dennis. wa pabati. wa chikka factor. wa haller at kung anufaflu. wa man lang kiss, kahit hindi french. kahit yung flying lang.
bitter-bitteran ang bakla na bumuntot sa hobbit pabalik sa hotel. asa ka pa. wala ka nang kiss chenes-chenes.
tapos tumunog yung nyelpons ni atashi. si dennis. nagpadala ng smiley hehehehe (punyeta, ba't kinikilig pa rin ako???? ambabaw ampotah!!!)
sa 9 months na tinagal namin, maraming moments na sumagi sa isip ni atashing kumalas na. parang naging habit ko na nga siya non. wit ko lang ka-sure kung talagang hurt-hurtan akechi o betsung ko lang mag power trip at mag feeling na pipigilan niya ko. aminin, bin der bin dat babaeng bundat ka na sa mga eksenang ganito.
pero say nga ni dennis nung unang attempt kong makipag-break, "nobody said this was easy." awwwww ... LECHE! planado na sana yung kilig episode ni atashi kaya lang na-discovery channel ng lola mo na pinirata sa songhits yung linya. KABOG!
pero simula nung moment na yon, tuwing sinusumpong ako ng mannerism kong makipag-quits na lang at break na, bumabalik ako dun sa umpisa. kung saan lahat nagsimula. hindi ako literal na umaakyat sa bagyo. kumbaga sa negosyete tsaka sineskwela, magbalik aral tayo ...
sa ka-eklatan. sa smiley. sa kauna-unahang lovapalooza. at sa malamig at mahamog na parking lot sa baguio.
kasi, at eto tandaan mo tuwing nalulubak yung relasyon mo, "nobody said this was easy ..."
pero yung sagot ko don, "no one ever said it would be this hard ... oh take me back to the start ..."
kamusta naman, davah? sa na-unsiyameng relasyon namin ni dennis, na mala-cheapipay na hayskul musical ang drama, gamit na gamit yung songhits talaga. san ka pa!?!