Alarma | The GreatKid Remix




Modified Escalating Density Training. (M-EDT) Tingin ko na yan ang binigay na program sa akin ni Coach Blakedaddy.

Ang goal ng workout ay makarami ng repetition sa tinakdang set of exercises na fitness trainer ang gumagawa. Sa kaso ko, nakasulat sa program na 5 reps ang kailangan mabuo sa bawat set.  Ang buong set na kailangan gawin sa isang exercise ay labing apat. Benchpress pa lang yan. Magaan man ang weights na kailangan kong buhatin, (100 lbs) pero tiyak na si superman lang ang hindi matatagtag pagkatapos ng work-out.

Ang resulta, katumbas ng kalahating rice cooker ang nauubos kong kanin pag-uwi ng bahay.  Hindi pa kasama ang ulam doon. Sabi nga sa akin na kasya daw sa tatlong dukha ang hapunan ko.  Naroon rin yung pakiramdam na parang tinadyakan ka ng sampung kabayo the following day. Lolz!

Rest assured na sana ang goal ko na maging KPR, (Miming alam mo ito!) Pero dahil nga sa ga-baboy kong kumain ay napupunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko.  Madalas may butal pa.

Anyway, sinubukan kong magtimbang sa weighting scale kanina at laking gulat ko sa naging resulta.  Muntikan tuloy akong mapa-treadmill at mag-sprint ng sampung minuto.

"174?!?!" Hindi ko maitago ang pagkaalarma.

Sa sobrang panic ay dali-dali kong pinuntahan si Blakedaddy na nagsusuplado nang mga oras na iyon.

"Coach! Coach! Ninominate kitang moderator sa Pinoyexchange! Is it possible to get heavier because of muscle build-up?"  Tumingin muna ako sa paligid, baka naroon yung mga alaga nilang Bumbay na big bosses yata sa isang call center.

"Of course!" Mabilis ang kanyang tugon. Oha! Oha! Anlakas ko kay coach!

Kunsabagay, parang ang hirap nga kumilos lately. Para bang gawa sa bakal ang buong katawan ko. ^_^

What's more puzzling is that despite the weight gain, hindi pa naman ako nagfe-feeling suman sa mga Size-M na t-shirt ko. (Teka try ko ulit for verification... Aww kasya pa pero kelangan ko na mag-bra)  Okay pa rin yung mga jeans. (kahit halos magka-UTI na ako sa sikip) pero slight na taba pa at talagang magje-jersey na ako papasok sa work. Huhuhuhu.

I do not know what else to do.  The program could do wonders but it seems to be backfiring at me.  Pasira rin ang shift sa trabaho. Kasi naman Oatmeal lang ang Brunchienda (Breakfast-Lunch-Merienda) ko sabay lamon pagdating ng dinner.  Baguhin ko man ang eating habits pero masarap talaga magluto si Yaya.

So yun lang, nagrarant ako na parang ewan.    Let's see if I could turn around the situation bago ako magemo-emohan in two weeks.

Bye blog!