Filler One | Greenbelt





Nakatunganga. Hindi alam ang isusulat. Ito ang kapalit ng ilang araw na pagkakasakit at pagkakaroon ng writer's block. Three more entries to go bago mag-quota. Andami ko sanang isusulat pero gusto ko na mas pinag-isipan ang mga entries. Hindi basta bara-bara lang. Marami rin akong gusto ikuwento pero kinakailangan ang self-censorship.

Ahh basta. Heto na lang.

Ilang beses na akong nagawi sa Greenbelt, pero allergic talaga ako sa lugar na iyon. Either hindi ko masikmura ang presyo ng mga bilihin o sadyang hindi lang ako mahilig magwindow shopping.

Isang linggo, pumunta ako roon ng may kasama. Tamang ikot lang habang iniintay ipalabas yung papanoorin naming movie. Malamig ang simoy ng hangin, kahit weekend ay maraming nagdi-dine in. Habang palakad lakad, kuwento ang aking kasama ng mga pangarap niyang bilhin: walking shorts worth 2K, T-Shirt sa Zara at kung anu-ano pa. Ngiti lang ako, kasi alam kong never ko ma-afford ang mga pangarap niya. Kung afford man, chances are, nauna na sa BDO ang pera sa halip na sa cash register.

But that's not the gist of the story. Hindi na bale na may kasama akong big shot. Kalimutan ko na rin ang  isang Topman shirt na hindi ko naman maisusuot. (dahil hindi na rin ako gumigimik) Maybe the fact that I went there with my significant half was enough reason to treasure the moment and not loathe the place like I used to.

Minsan lang maging favorable ang hangin sa aking circulatory system.  Minsan lang.

Hindi nakakapagtaka na para akong tanga na nakangiti buong time magkasama kami.