Mister Pillow





May tatlong bagay na nakakapagpatulog sa akin ng mahimbing sa gabi. Una ay malinis na kumot na binabalot ko sa aking hubad na katawan. Ikalawa ay mga cartoons na pinapanood ko tuwing madaling araw sa Skycable. Nasanay na nga akong iniiwan na bukas ang TV at hinahayaang ang auto-shut na  lang ang magturn-off dito. Ikatlo ay ang unan na niyayakap ko sa pagtulog. Alinman sa tatlo ang wala at pahirapan bago ako dapuan ng antok.

Noong nakaraang buwan ay bumili si mama ng mga unan na pang-regalo. Isa sa mga ito ang aking napansin habang nagbabalot siya ng mga ipapamasko. Wala naman akong balak hingin ang unan, pero dahil alam ni mama na matitigas ang unan sa higaan ko, pinilit niyang kunin ko ang isa. Mabuti daw itong pangsuporta sa ulo.

Ang hindi alam ng aking ina ay sadyang sanay ako sa matitigas at bukbukin na mga unan. Dala ito ng mahabang panahong nagtitiis sa mga unang namana ko pa sa aking mga ninuno. Kaya't nauwing pangyakap lang ang bagong unan na bigay sa akin. Masyado itong malambot na tamang tama para sa malalaki kong braso. Ito rin ang unan na ginagamit ng binatang madalas ay pinapatulog ko sa amin.



Mister Pillow



Sa simula ay parang balewala lang sa akin ang bagong unan.  Kagaya lang ito ng tatlo na nakasanayan ko ng katabi sa kama. Ngunit sa tuwing nagbabadya ang kalungkutan at pangungulila; ng paghahanap at pilit na paglapit sa taong bumubuo sa akin, ang unan ang nagsisilbing alaala ng taong madalas gumamit nito.




"Meme ka na?"  Pasado alas dos na ng madaling araw. 

"Uu, ano gawa mo?"

"Heto yakap mahigpit si Mister Pillow. Intay ka makatulog baabaa ko."



It's been quite sometime since I entrusted my happiness to someone. I have sailed through life believing my toughness can get me out of the most bitter entanglements. It's no wonder, when the full force of my caring side reappeared, all I've got is a soft fluffy pillow to remind me of that person who showed me once again how to...



love.