Outsider





Matagal rin akong nag camp-out sa labas ng inner office matapos ma-promote bilang analyst. Bukod kasi sa malamig ang aircon sa loob ay sobrang bagal ng computer na na-assign sa akin. Naroon rin na baguhan ako sa QA department at ilag sa mga kasama, maliban kay Mami Athena.

I work best when left alone. Nothing distracts me more than two people talking about their finds on the Internet instead of doing their job. Bukod pa roon, hindi ako makapag-blog hop ng may nakatingin sa akin. Kumbaga, kahit mainit at madalas patay ang ilaw, priceless pa rin ang katahimikan sa training area.

Nang mag-resign si Bishop last August ay pinasa sa akin ang kanyang  work station.  For the first time matapos ang tenure ko sa pagiging team leader reliever ay nakahawak ulit ako ng mabilis na desktop sa trabaho. Subalit may dalawa pang henchman na natitira si Mami Athena.  Left out at hindi pa rin ako makasabay sa kuwentuhan ng duo. 

Nagresign si Mister Snort ilang buwan bago matapos ang taon.  Kung si Bishop ay feeling all-knowing, si Mister Snort naman ay may saltik kapag kargado. Mannerism rin niya ang mag-snort na parang laging may Cocaine sa paligid. Anyway, we're down to two pero casual lang kami nung kasama ko sa department. Maliban na lang kung trabaho ang pag-uusapan, wala talaga kaming pakielaman sa isa't isa.

Nang ma-istroke si Mami Athena at naiwan kaming dalawa ni Petong the Unhealthy One, kanya-kanyang kaming gawa ng report. Since walang QA head na titingin sa amin, sa director kami nagrereport.  Kapag absent ang isa, nalalaman na lang namin sa mismong boss ng kumpanya.

That's how distant we are.

Sa mahigit limang taon ko sa trabaho ay pili lang ang talagang pinakisamahan ko. Naroon si Jerjer na tinuturing kong kakambal at si Mami Athena bilang fag hag at mentor. Siguro snob lang  talaga ako. Wala rin akong pakialam kung impression sa akin ay unsociable. Since wala rin namang nagaganap na inuman sa office at yun lang ang paraan para ako ay mag-open up, tingin ko sa lahat ay pawang katrabaho lang.



Last week ay inabandon yung isang floor na dati rati ay napupuno ng agents. Maraming office chairs ang nakatambak ngayon sa training department kaya nakapili ako ng mas kumportableng upuan. Ilang araw mula ngayon ay last day na ng kasama kong si Petong.  Dahil sa kanyang work habits na talagang kaiingitan ng lahat, hindi siya sinama sa restructuring program.

Now that I'm the only one left, parang may kurot tuwing binabalikan ko yung  mga panahon na saling-pusa lang ako. I don't have any regrets not getting close to anyone - except kay Petong na niregaluhan ko ng T-Shirt noong Pasko. Tanda ko pa, noong kaming dalawa lang at nagrerecover pa si Mami Athena,  binigyan niya ako ng brownies na binili niya sa canteen.

The Patroness and I were sorting out company materials this morning when I realized how things have changed. Dati-rati ay sabay-sabay pa kami kumakain kapag may sinipag magluto sa tatlo o kaya naman ay yung walang sawa kong pagtatanong kung kailan ang next gig ni Mister Snort na hindi ko naman pinupuntahan. Naalala ko rin na si Bishop ay mahilig mag-brew ng coffee at kung minsan naman ay nagba-bake ng bread na pinapatikim sa amin.

I suddenly remembered them all because of the things they left behind.



Meanwhile, having a skeleton force means there is no need for a QA anymore. Austerity measures indicate that the team will be dissolved and the training room and its inner office will be abandoned:


ang mahalay na desktop pc



It took some time before I was able to put up my working space; and just when I got everything, (including the permission to bring blankets instead of jackets at work)

my little corner is finally no more.