Medyo naparami ang gawaing trabaho nang minsang na-assign ako sa graveyard shift. Dala ng pagka-bugnot at antok dahil sa bago kong schedule, naisipan kong buksan ang aking Facebook account.
Unang tumambad ang status at wall messages ng aking mga kaibigan. Nothing important, kanya-kanyang mga drama sa buhay. Malugod na sana akong mag-lo log-out nang mapansin ang updates ng kabarkada ko sa college.
Nang huli kaming magkita ay bukambibig na nito ang kanyang planong pagbili ng sasakyan. Ford Focus ang kanyang napupusuan. Masaya ang mga katropa ko para sa kanya. At least, kahit hindi pa ito nagkaka-girlfriend sa buong buhay ay may ipagmamalaki naman itong wheels. Kibit balikat kong tinanggap ang kanyang balita.
Para sa akin kasi ay makakabuting ipunin muna niya ang pera.
Dumaan ang mga buwan at totohanan nga ang kanyang ginawa. Ngayon ay may Ford Fiesta na siya at buong pagmamalaki nitong ibinalandra sa Facebook ang kanyang sasakyan. Tahimik kong nilampasan ang kanyang mga updates subalit habang tumatagal ay tila nag-iiba ang pagtanggap ko sa tuwing nakikita ang mukha niya sa social media.
Kung titingnan ang profile ng kaibigan ko ay tadtad ito ng kanyang tsikot. Abala rin ito sa mga social events kung saan nagkikita-kita ang mga Ford owners katulad niya. Wala namang masama sa kanyang ginagawa pero higit akong matutuwa kung babae nito ang kanyang ipapakita. At least, hindi na ako maghihinala na kapanalig ko siya.
Subalit nitong mga huling updates ay tila iba sa mga nakaraan. Kung dati-rati ay nakakaya ko pang sikmurain ang mga litrato ng kanyang Ford Fiesta, ngayon ay parang gusto kong mag-comment ng all-caps na "yeah we know you have a new car, so what's new?" Tiyak na lalabas akong bitter at maldita kaya gaya ng nakagawian, kibit-balikat kong nilampasan ang kanyang mga updates. Tamang adik lang ang bata at ma-o-outgrow rin nito ang kanyang kinahihiligan.
Ayokong isipin na ang nararamdaman kong derision, poot, o pagkainggit ay dala ng katotohanang sa magkakaibigan, ako ang nahuhuli sa karera. Ang dalawa ay abogado na (kabilang si tropang may Ford Fiesta) ang isa ay big-time sa LTO at ang isa naman ay may sariling bahay na sa Global City. Sumakabilang-buhay nga ang isa pero nag-iwan naman ito ng junior na ni-isa sa amin ay wala.
Comparisons make you feel inferior, at marahil, noong gabing tadtad ako ng trabaho sa opisina ay yun ang aking nadarama. But what gives? Pinili ko naman ang ganitong buhay at ako mismo ang tumatalikod sa mga pagkakataon na magpapabago sana sa aking estado.
Kaya't upang makabawi man lang - maramdaman - na may pangarap rin ako sa buhay, nag-iwan ako ng isang wall-message na sa hindi inaasahan ay mainit na tatanggapin ng lahat.
in yer dreams, man. |
May pera man o wala, tiyak na mauuwi lang sa gastusing-bahay ang anumang ipambibili ko ng sasakyan.