Because sometimes, the answer to our miseries lie in lifting others from their own troubles. I may not have told you, but in the weeks that our lives crossed, I too was able to overcome the collapse that was happening in my realm.
Thank you.
EksenadoraFull Metal DreamsApril 6, 2006
Lastly, nagtext sa akin ang isa ko pang kaibigan na tawagin na lang natin sa kanyang codename na Mutmut.
Medyo ilang linggo na ring kaming close ni Mutmut dahil nga kagagaling lang niya sa break-up at feel ko rin namang maging kanyang comforter-friend.
Ilang linggo ring devastated itong si Mutmut matapos ang lahat nang nagyari. Kaya ako naman eh todo salo sa kanya everytime na maaalala niya si ex-fling.
Lumipas rin ang ilang araw at unti-unti napansin kong nakakapag-move on na si Mutmut. Kaya ako naman eh unti unti na ring dumidistansya kahit paano. Feeling ko ba eh para akong tugboat na unti unting lumalayo kapag nakakabwelo na mag-isa ang malaking barko.
Ang saya diba, mukhang ganun talaga ang role ng isang kaibigan.
Ngayong gabi nagkwento sa akin si Mutmut na sinama daw siya ng kanyang kaibigan para manood ng sine kasama ang kanilang "dates." Sinet-up, daw siya para sa isang double date Ako naman nakangiti lang habang binabasa ang kanyang text message. Sa loob loob ko, ramdam kong alignment na naman ang mga buhay buhay ng mga bading sa paligid ko.
Hirit pa sakin ni Mut na under repair daw ang kanyang puso. Sabi ko naman, ang pag-ibig ay dumarating sa oras na hindi natin inaasahan.
Inaantay ko pa kung ano ang magiging epilogue nitong huli nating bida. Sana naman, ang kanyang date ngayong gabi ay magsilbing sign na para sa kanyang eventual move on.
A nod to the three hundred and sixteenth follower of this blog. It's been ages since the McDonald's grand eyeball, I still remember.