Imitation is the best form of flattery
Charles Caleb Colton
Hanubeh! Ako na ang gaya-gaya at walang originality!! Copycat! Sabi nga ni Ate Cherie Gil. Ako rin ang inaakusahan na malalim at mala-intelektwal! Stop me, may kababawan rin ako noh. Choosy lang akiz kung kanino ko bet mag show-off!
Anywei, pinapasok ako ng Patroness noong Sabado kahit na day-off ko. Kaya naman Martes pa lang ay feel ko na magbakasyon. Noong aliping sagigilid pa lang ako, madali lang mag deklara ng holiday. Isang text na ganito lang:
"Mami I feel sick. I wont be able to go to work."
At basta walang trabaho o training. Go lang sa pagbabakasyon.
Pero iba na ngayon. Iba talaga pag nafe-feeling ka ng sinyora. Wahahaha.
"Boss, I have a fever since last Friday. I cannot get out of bed and my head hurts really bad. I'm really sorry but I can't go to work..." Echos lang lahat, pero heto yung excuse ko noong last time na tinamad akong mag-work.
After 15 minutes nag reply si boss. Okay lang daw, iche-check na lang niya yung shift ko. Nagtext rin si Mami na pagaling daw ako. Actually, masama rin talaga ang pakiramdam ko at tinulog ko na lang ang lahat.
The next day, nagpakita ako sa trabaho na parang wala lang. Kulang na lang ng shades at maniniwala ang iba na kagagaling ko lang sa airport from my all-expense paid trip to Bora. (na hindi ko pa napupuntahan actually) Back to normal ang buhay, bumenta ang sakit-sakitan at ako pa ang namimigay ng dalawang tableta ng Ascorbic Acid sa mga ahente para hindi sipunin.
Now lets move on to Twitter: ang bagong Grindr ng bayan.
Say ko naman na noon pa lang ay nagiging karnehan na ang aking favorite tambayan. Yun ang dahilan kung bakit nagsuot ako ng damit nang biglang dumating si Baabaa sa buhay ko. For the longest time, feeling ko ay hindi na ako mahaharass, pero huwag ka nining, sisihin natin ang tag-ulan pero talagang napakahigad ng mga boylets dun.
Nth casualty ng aking pagkamaldita: Tawagin natin siya sa pangalang Twitero. Friendly ang binata sa aming DM, pero bet talaga niya manghingi ng facepic. (First sign of trouble?) So pinalitan ko ang aking DP para gawing facepic. Unfair naman kasi, ang guwapo guwapo ng binata. Humingi pa ako niyan ng payo sa aming diyosa ha? Ako lang kasi ang gago, gagawin ko sanang picture ni Soxy Topacio yung DP ko. Sabi ng diyosa na be nice to boys daw so sunod naman ako.
Naisip ko rin kasi na baka puwedeng ipasa yun sa mga Engkantos. May nagsumbong pa naman sa akin na may naghahanap daw ng ka-3sum sa YM?
Sino kaya yun? Sikreto!! Lolz
So nagtuloy ang chikka pero swear, ako pa ang suplado niyan. Mukha atang na-turn on si totoy kaya lalong nagpursigi. Ako naman kasi si tanga, hindi ko naisingit sa disclaimer na taken na ako at kaya ko lang siya hinahayaan makipagusap kasi wala pa namang landiang nagaganap.
Pero I was so wrong.
Isang malamig na gabi, wala yatang mahanap si lalaki. Nagtanong kung malapit lang daw ba ako sa kanila. Sabi ko malayo. Taga Bonggao, Tawi-Tawi ako at imposibleng makarating ako ng Antipolo sa loob ng tatlong araw. Lolz.
Alam ko naman kung saan patungo ang usapan. Ako pa eh ang tanda-tanda ko na. Pero gaya nga ng nasasaad sa aklat ni Bekimon, kapitulo diyes berso dose, "let it come straight from Vice Ganda's mouth." Kaya hayun, nag phone-in question akiz kung bakit niya tinanong. Heto ang reply ni binata.
"Kung malapit puwede tayo magkita magkant... tahan o maginuman. Lol"
Shet, loaded ang statement, parang pumupulandit na ano lang. As in! Sa sobrang disappointment, never na ako nagreply. Sayang, andami pa naman na malulungkot na binata na puwede siya ma-refer. Pero ako pa, sa lahat ng mga nagmamaganda ang tinalo niya.
Nakakatanggap pa rin ako ng DM sa kanya hanggang noong isang araw. Pero gaya ng nakagawian, cross me without my permission and I will cross you out permanently. Better yet, boys shouldn't cross me at all! Ganito rin halos yung kuwento nung isa. Naghahanap lang daw ng kausap sa Globe pero nung sinabi kong hindi available ang number ko, nabasa ko na lang ang mga salitang "sariling sikap" sa timeline. Talk about lonely boys and libidos.
Hayun andami ko pa sanang kuwento na kung anu-anu lang pero humahaba na. Gaya na lang ng mga kabaliwan ko kapag naghahanap ng pansin o kaya naman ang mga comments ko sa Transformers 3 at Super 8. Nandun rin na naiyak ako kasi kinantahan ako ng Para Sa Akin nung isa diyan tapos ang astig-astig nung boses niya, saka rin yung napapabalitang magkakaroon na daw ng kapatid si Baby Lenin, na ang ipapangalan ay Baby Che.
Ano daw? Ewan!
O siya, balik sa seryoso mode na. Baboosh!