Ilang araw na tuloy tuloy ang buhos ng ulan. Para sa isang pamilya na isang beses isang linggo kung maglaba, sobrang disadvantage ito, lalo na sa akin na pang-isang lingguhan lang ang mga damit. Hindi rin nakakatulong ang patuloy na paglobo ng bayaw ko. Kaunting lapad pa ng bewang at masusuot na niya ang mga T-shirt, pants at briefs ko.
Nitong mga nakaraang araw ay kapansin-pansin na nabawasan ako ng underwear. Ito ba ay sinungkit, inamoy at pinagpantasyahan ng kapitbahay?
Asa.
Ito ba ay aksidenteng napasama sa mga damit ni brother-in-law at tinatamad lang ibalik sa akin?
Maari.
Hindi kaya sa ilang ulit na ginawa kong basahan at pamunas ng tamod ang mga bacon (mga briefs na gutay-gutay na ang garter) sabay shoot nito sa basura ay kusa na lang akong nabawasan ng mga isusuot?
Siguro.
As far as I know ay may lima akong pang-ilalim. Dagdag pa dito ang dalawang briefs na malapit nang lumawlaw ang garter at tatlong boxers na sinusuot ko rin pag nasa bahay. Sa mga hindi nakakaalam, trip ko ang mag-commando kapag hindi naman lumalabas. Isang beses na ako nasabihan noon na felix bakat pero hindi ko yun sineryoso.
Feeling ko naman na unnoticeable si putotoy pag tulog ito.
Malugod ko na sanang tatanggapin na sadyang mahirap lang magpatuyo ng damit ngayon, at karamihan sa mga briefs ko ay nasa sampayan pa. Pero nang maghanap ako kanina ng isusuot na panloob, anumang halukay sa mga plantsahin ay wala.
Wala na pala akong briefs.
Katulong ang kasambahay ay naghanap kami ng pakalat-kalat na underwear. Siyempre yung malinis at sa akin. Pero ang mga nakita namin ay sa brother-in-law ko na. Badtrip, hindi ko naman puwede hiramin. Kaya walang rekla-reklamo ay nagsuot ako ng short pants at tumuloy sa aking lakad.
First time ko mag-commando sa labas.
Looking at may garment complement ay talagang magkukulang ako sa damit. Bukod sa pitong beses akong nasa labas ng bahay ay tuloy ang pamimigay ko ng mga pinaglumaan tuwing magkakaroon ako ng overhaul ng kuwarto. Nandun rin na nakaasa ako sa bigay ng iba sa halip na bumili ng sarili kong masusuot. Hindi mo rin ako masisisi kasi nakasanayan na.
Sa loob ng mahabang panahon ay mom ko ang bumibili ng briefs sa akin. Wala naman akong reklamo dahil ako naman ang nakalibre. Pero nag-iba na ang panahon. Ngayong sa apo na napupunta ang pera niya, saka ko narerealize na ang mga bagay na hindi ko pinapansin noon ang siyang kailangang kailangan ko ngayon.
Matapos makipagkuwentuhan kay Pilyo (na mabuti na lang at hindi naging detalyado sa mga adventures niya sa Bangkok) ay dumiretso ako ng Isetann Recto para maghanap ng underwear. Hindi na bale na galante ako sa ibang bagay, pero kapag sinumpong talaga ng kakuriputan, kahit Quiapo ay susuyurin ko makatipid lang sa sarili.
Mabuti na lang at walang department store ang Isetann. Sunod kong naisip ang SM Carriedo na tambakan ng mga overruns galing sa ibang SM. Timing naman ang dating ko kasi sale sila. At kapag sale ang usapan, nawawala ang allergy ko sa mga malls.
So pili.. pili.. pili.. pili.. ako ng pili, pero ako talaga ang choosy. Nakakita nga ako ng tatlong pirasong bikini briefs ng SM Executive worth P120 pesos pero hindi ako na-convince. Meron pa silang lima sa isang set for less than P200 pero tagilid pa rin ang aking final answer. Sa loob-loob ko, di bale ng cheap, wala naman makakapansin. Ang kaso, ayaw ko talagang tantanan ang men's underwear section hanggang may makita akong trip.
Hindi nagtagal at nagsawa rin ako kakapili. Naubusan na rin kasi ako ng choices dahil yung iba ay sobra na sa budget. Subalit bago tuluyang umalis ay may na spot akong kaaya-aya. Una kong napansin ang brand. Baleno. Malaki ang print, tipong may makakapansin kapag naisipan kong mag-low waist at maikling T-shirt.
"Ayos to," sabi ko sa sarili.
Sa kabila ng piping protesta ng ibang saleslady na nakausap ko (yung mga unang nag-offer sa akin ng mas mamahaling brief) ay nakapili rin ako ng underwear. Dali-dali akong pumila sa cashier at ginamit ang SM Advantage para panggastos sa aking mga binili.
Well I guess it's the name I fell in love with, as well as the decent packaging. At least I won't be wearing bikini briefs from hell the whole week. And for P110 pesos a set, I got myself a sound bargain.
Not bad for a first time.