Self-Help



I pray, not just because I'm scared.
But because I have pushed myself to the edge.
My body suffers from abuse in ways I can never tell.



Bumangon ako ng kama na walang katiyakan kung mag-aabsent ba o hindi. Maari rin naman kasi na pumasok na lang ako ng hapon, gaya ng paalam ng isang katrabaho na nag-beach at sumali sa isang Miss Gay Beauty Contest sa Bataan noong linggo. Subalit nagsabi nga pala ang officer-in-charge sa umaga na ito ay magwo-work from home. May sakit kasi ang kanyang anak at wala itong kasambahay. 

Kailangan niya itong bantayan.

Binalak ko sana dumaan ng Mercury Drug habang naglalakbay papasok sa opisina. Kailangan ko nga pala ng multivitamins para patibayin ang resistensya ng aking katawan. Pero sarado pa ito. Sa halip, nauwi na lang ako sa 7-Eleven para bumili ng Bacchus.

Hindi ako tatagal na walang tinutungga na energy drink.

Nagsimula ang shift na isa lang ang kasama ko - ang agent na naiwan sa pang-umaga. Nang dahil sa retrenchment at sunod-sunod na pagreresign ng mga empleyado, naubos na ang mga tao sa floor. Ito ang dahilan kung bakit gustuhin ko man humabol ng tulog at magpa-late ng dating, SOP na dapat ay may managing officer na haharap sakaling dumating o tumawag ang director.

Someone has to report and tell the things that are happening in his company.

Work starts na-pipikit-pikit ako habang nasa harap ng computer. Nandoon ang paminsan-minsang paglagok ng energy drink sa pag-asang ikatatagal ito ng aking pagmulat. Isang oras ang lumipas. Mabagal ang progress sa aking ginagawa. Mahirap magsulat habang ang diwa ay napapariwara. Matapos ang isa pang oras ay sumuko na ako.

"Ms. Judy, idlip lang ako ha?" Tumango lang ang aking kasama.

Hindi kaila sa mga agents, lalo na sa morning shift na garapal ako magpakita ng antok. Balot ng kumot, hindi ako magdadalawang isip matulog habang naka-recline sa aking upuan. Sa kalagitnaan ito ng pagiging abala ng lahat. Namana ko ang ugali sa kumpanyang dati kong pinapasukan. Palibhasa ay family business, walang issue kahit tulog ako sa oras ng trabaho.

Mga dalawang oras rin ang lumipas bago ko napagpasyahang bumangon. Tuloy-tuloy lang ang calls habang nagbabanta namang mag-alsa ang sikmura dahil sa gutom. Lumabas ako ng building at tumawid ng kalsada. Hindi malayo sa aking kinaroroonan ang isang vegetarian store na affordable at masustansya ang mga pagkain.

Pagbalik ng floor ay tumakbo muli ang oras ng hindi ko namamalayan. Dala na rin marahil sa trabaho at mga panakaw na tulog na inaabot ng kalahating minuto sa tuwing ako ay magbre-break. Nandoon rin na tatlong beses ako tumakbo sa banyo matapos humilab ang tiyan. Hindi yata nagkasundo ang Bacchus at vegetarian sausage na aking pananghalian.

Natapos ang weekly planning meeting dala ang pag-asang magbabago ang ihip ng hangin ngayong linggo. Samantalang sa aking project na usad-pagong pa rin ang takbo, nagbigay ako ng salita na submission will take place before I leave the workplace.

Ang mga agents sa morning shift ay napalitan ng pang-hapon. Umikot man ang buhay ng mga tao sa paligid ngunit tila napako na ako sa aking cubicle: Nagpaalam si JC na manonood ng Lady Gaga Concert kasama ang mga kaibigan. Habang nagkuwento naman si ex-girlfriend tungkol sa bago niyang crush, at bago matapos ang hapon, isang malungkot na balita ang pumawi sa ngiti ng aking mukha.

Isang kaibigan ang nagpaalam na ng tuluyan.

Bumalik ako sa aking kinauupuan at sinilip ang relo. Alas kuwatro. Isa't kalahating oras pa bago magsara ang bangko. Sampung items pa bago mai-transmit sa client ang kanilang pinapatrabaho.

Ganun pala ang pakiramdam ng naghahabol ng oras. Gusto mong gawin ang lahat kahit alam mong ito ay malabo. Kapag hindi talaga kaya, pinipili mo ang priority sa maaring ipagpabukas pa. Kung kaya naman, a little routine adjustment accommodates everything.

In my case, kailangan ko magbayad ng isang credit card dahil ngayong araw ang cut-off. Naroon rin na kailangan ko magplano para sa kaarawan ng isang minamahal. Ang body-building workout ay ilang araw ng nakakansela and on top of that, there's a deadline to finish, and toiletries to buy.

Paano ko nagawa ipagsiksikan ang lahat ng tasks sa isang hapon?

Submitting the project became the top priority. And when this was done, I went to BDO to pay my credit card. Turns out, they were open until 6:30. I was an hour ahead of closing time. I was able to transfer what remains of my salary to my savings account as well. After that, there's a Puregold nearby. Masuwerte lang, available ang sabon at deodorant na ginagamit ko sa katawan.

The work-out will resume tomorrow, and this time wala na atrasan. As for the birthday plans, I will leave it as surprise, even to me. Sa ganito naman talaga ako magaling, sa pagiging spontaneous.

Looking back, I was able to finish the biggest tasks I had set this morning. Despite being broken and defeated by my sleeplessness and fatigue. But most of all, this entry deserves to be written and published for one thing and one thing alone.

It is to acknowledge his presence, and to show my deepest gratitude. Kasi, I wouldn't have done it - all - if I didn't ask for help when all seems lost and crumbling.