Mutya





Because sometimes,  the answer to our miseries lie in lifting others from their own troubles.  I may not have told you, but in the weeks that our lives crossed, I too was able to overcome the collapse that  was  happening in my realm.

Thank you.



Eksenadora
Full Metal Dreams
April 6, 2006


Lastly, nagtext sa akin ang isa ko pang kaibigan na tawagin na lang natin sa kanyang codename na Mutmut.


Medyo ilang linggo na ring kaming close ni Mutmut dahil nga kagagaling lang niya sa break-up at feel ko rin namang maging kanyang comforter-friend.


Ilang linggo ring devastated itong si Mutmut matapos ang lahat nang nagyari.  Kaya ako naman eh todo salo sa kanya everytime na maaalala niya si ex-fling.


Lumipas rin ang ilang araw at unti-unti napansin kong nakakapag-move on na si Mutmut. Kaya ako naman eh unti unti na ring dumidistansya kahit paano. Feeling ko ba eh para akong tugboat na unti unting lumalayo kapag nakakabwelo na mag-isa ang malaking barko.


Ang saya diba, mukhang ganun talaga ang role ng isang kaibigan.


Ngayong gabi nagkwento sa akin si Mutmut na sinama daw siya ng kanyang kaibigan para manood ng sine kasama ang kanilang "dates." Sinet-up, daw siya para sa isang double date Ako naman nakangiti lang habang binabasa ang kanyang text message. Sa loob loob ko, ramdam kong alignment na naman ang mga buhay buhay ng mga bading sa paligid ko.


Hirit pa sakin ni Mut na under repair daw ang kanyang puso. Sabi ko naman, ang pag-ibig ay dumarating sa oras na hindi natin inaasahan.


Inaantay ko pa kung ano ang magiging epilogue nitong huli nating bida. Sana naman, ang kanyang date ngayong gabi ay magsilbing sign na para sa kanyang eventual move on.


A nod to the three hundred and sixteenth follower of this blog.  It's been ages since the McDonald's grand eyeball, I still remember. 




Altis





Medyo naparami ang gawaing trabaho nang minsang na-assign ako sa graveyard shift. Dala ng pagka-bugnot at antok dahil sa bago kong schedule, naisipan kong buksan ang aking Facebook account.

Unang  tumambad ang status at wall messages ng aking mga kaibigan. Nothing important, kanya-kanyang mga drama sa buhay.  Malugod na sana akong mag-lo log-out nang mapansin ang updates ng kabarkada ko sa college.



Nang  huli kaming magkita ay bukambibig na nito ang kanyang planong pagbili ng sasakyan.  Ford Focus ang kanyang napupusuan. Masaya ang mga katropa ko para sa kanya.  At least, kahit hindi pa ito nagkaka-girlfriend sa buong buhay ay may ipagmamalaki naman itong wheels. Kibit balikat kong tinanggap ang kanyang balita.  

Para sa akin kasi ay makakabuting ipunin muna niya ang pera. 

Dumaan ang mga buwan at totohanan nga ang kanyang ginawa. Ngayon ay may Ford Fiesta na siya at buong pagmamalaki nitong ibinalandra sa Facebook ang kanyang sasakyan.  Tahimik kong nilampasan ang kanyang mga updates subalit habang tumatagal ay tila nag-iiba ang pagtanggap ko sa tuwing nakikita ang mukha niya sa social media.

Kung titingnan  ang  profile ng kaibigan ko ay tadtad ito ng kanyang tsikot.  Abala rin ito sa mga social events kung saan nagkikita-kita ang mga Ford owners katulad niya. Wala namang masama sa kanyang ginagawa pero higit akong matutuwa kung babae nito ang kanyang ipapakita.  At least, hindi na ako maghihinala na kapanalig ko siya.

Subalit  nitong mga huling updates ay tila iba sa mga nakaraan.  Kung dati-rati ay nakakaya ko pang sikmurain ang mga litrato ng kanyang Ford Fiesta,  ngayon ay parang gusto kong mag-comment ng all-caps na "yeah we know you have a new car, so what's new?" Tiyak na lalabas akong bitter at maldita kaya gaya ng nakagawian, kibit-balikat kong nilampasan ang kanyang mga updates. Tamang adik lang ang bata at ma-o-outgrow rin nito ang kanyang kinahihiligan.



Ayokong isipin na ang nararamdaman kong derision, poot, o pagkainggit ay dala ng katotohanang sa magkakaibigan, ako ang nahuhuli sa karera. Ang dalawa ay abogado na (kabilang si tropang may Ford Fiesta) ang isa ay big-time sa LTO at ang isa naman ay may sariling bahay na sa Global City. Sumakabilang-buhay nga ang isa pero nag-iwan naman ito ng junior na ni-isa sa amin ay wala.

Comparisons make you feel inferior, at marahil, noong gabing tadtad ako ng trabaho sa opisina ay yun ang aking nadarama.  But what gives?  Pinili ko naman ang ganitong buhay  at ako mismo ang tumatalikod sa mga pagkakataon na magpapabago sana sa aking estado.

Kaya't upang makabawi man lang - maramdaman - na may pangarap rin ako sa buhay, nag-iwan ako ng isang wall-message na sa hindi inaasahan ay mainit na tatanggapin ng lahat.



in yer dreams, man.


May pera man o wala, tiyak na mauuwi lang sa gastusing-bahay ang anumang ipambibili ko ng sasakyan.